sana madali lang...
sana nga sa isang tingin lang malalaman mo na agad...
sana ganun lang kadali...
sana parang gaya lang sa libro...
isang iglap lang malalaman mo...
mararamdaman mo....
siya na ang tao para sayo
ang makakasama mo panghabambuhay
ang magtyatayga sa lahat ng kabahuan mo
ang magiging dagdag sa pamilya mo
at pamilyang bubuuin mo
sana ganun na nga lang....
Posted at 10:35 am by
ayrin_yg
sa wakas nakabalik ulet sa dating hilg...
ang magsulat
mahirap ang walang outlet eh
nakakaloka
nakakasira ng utak
sana tuluy tuloy na
nakakamiss ang dating gawain
masayang pagbabalik
Posted at 02:57 am by
ayrin_yg
Ang hirap mag-ayos ng bubong lalo na kung sobrang dami ng butas at luma na. Hindi na kayang tapalan lang ng kung anu-anong pantapal, hindi pwedeng basta pinturahan lang para maging mukang bago....ano ba magandang gawin sa bubong na punumpuno na ng butas at sira-sira na?
Makakaprotekta pa ba ng mga tao at gamit na nasa loob ng bahay kung yung dapat na sisilungan mo eh matatag at handang labanan ang sikat ng araw,lakas ng hangin at sunud-sunod na patak ng ulan? Pano na lang kung dumating yung bagyo? eh di mababasa lang yung nasa loob ng bahay.
Dapat bang palitan na ang bubong ng bahay kung hindi na niya nagagawa ang dapat niyang gawin? Kung hindi na niya napoprotektahan ang mga nasa loob ng bahay? O baka naman dapat lang gumising ang tao sa loob ng bahay at pagsumikapang ayusin at gawin muling kapakipakinabang ang bubong na nagbibigay silong sa kanila?
Sana pala minsan hindi lang natin hinahayaang protektahan tayo,dapat pinoprotektahan din natin yung nagpoprotekta sa atin. Para hindi sila nasisisira ng hindi natin namamalayan at mas nagiging matapang at matatag sila sa paglipas ng panahon. Kahit hindi na tayo ang pinoprotektahan nila......_i_
Posted at 02:16 am by
ayrin_yg
Permalink
ako po ay baguhan sa ganitong larangan nawa po ay maging masaya at maging tulong sa akin ang blog na ito... Salamat!
Posted at 02:19 pm by
ayrin_yg
Permalink