Ang hirap mag-ayos ng bubong lalo na kung sobrang dami ng butas at luma na. Hindi na kayang tapalan lang ng kung anu-anong pantapal, hindi pwedeng basta pinturahan lang para maging mukang bago....ano ba magandang gawin sa bubong na punumpuno na ng butas at sira-sira na?
Makakaprotekta pa ba ng mga tao at gamit na nasa loob ng bahay kung yung dapat na sisilungan mo eh matatag at handang labanan ang sikat ng araw,lakas ng hangin at sunud-sunod na patak ng ulan? Pano na lang kung dumating yung bagyo? eh di mababasa lang yung nasa loob ng bahay.
Dapat bang palitan na ang bubong ng bahay kung hindi na niya nagagawa ang dapat niyang gawin? Kung hindi na niya napoprotektahan ang mga nasa loob ng bahay? O baka naman dapat lang gumising ang tao sa loob ng bahay at pagsumikapang ayusin at gawin muling kapakipakinabang ang bubong na nagbibigay silong sa kanila?
Sana pala minsan hindi lang natin hinahayaang protektahan tayo,dapat pinoprotektahan din natin yung nagpoprotekta sa atin. Para hindi sila nasisisira ng hindi natin namamalayan at mas nagiging matapang at matatag sila sa paglipas ng panahon. Kahit hindi na tayo ang pinoprotektahan nila......_i_
Posted at 02:16 am by
ayrin_yg